Welcome to the world! GINJI MAGALLANES GONZALES...!! To all COF members, join na kayo! please don't hesitate to participate sa chatbox...intayin namin kayo!! MISS YOU ALL!!

Saturday, January 16, 2010

SEE WE'RE GROWING (EPISODE 10)

EPISODE 10 Finally, got time to write the Episode 10, 10 muna kasi bday nya falls on the 10th of July. =)
Next is my soon-to-be Bride Bestfriend, FIEL RECANA. Siya si Miss MATAMPUHIN ng tropa. Natural na matampuhin itong si Fiel. Sa totoo nga lang ngayon nagtatampo na sya kasi it took me time to write the episode of her life and lovelife. Sensya na Bes ! Pano naman busy na ako sa inanaayak mo. =)
For me, Fae have a Big Heart kahit na matampuhin itong bes ko. Simula ng magkakakilala kami nun enrollment eh, wala akong maalala na birthday ko na wala akong regalo from her..hehehe =). But seriously, she always makes it that she’s there for me in the most important moments of my life. Kahit madalas lagi kaming metampuhan me selosan sa tropa. She’s been there and she will be there for me kahit san lupalop man ako makarating. OOPPSS..parang tungkol lang toh sa amin dalawa.hehehe.
Cge eto na, She have a BIG SENSITIVE HEART.
Kaya nga mahilig kami uminom 2. Baywalk, and Marty’s ang paborito naming puntahan just to unwind.But then……
Read more ...

Friday, July 24, 2009

Continuation ni Episode 7.. It's Angel's turn naman

Hmmm... napansin ko kse.. na andami dami nang nasulat ng ating kaibigan na nagtatago sa pangalang "tse tse" tungkol sa kanyang mga memorable experiences with each one of us. It only shows kung gaano sha kadaldal.. (hehehe) I think its about time na sha naman ang ikwento ko sa inyo... so are you all ready?? (Exciting to! Yes naman!!) Si Mare kong ito eh pambihira sa lahat ng bagay... pambihira sa bait, pambihira maging kaibigan, pambihira din sa katigasan ng ulo (peace tayo.. hehehe) at higit sa lahat...pambihirang magmahal. Eto lang ata ang taong nakilala ko na pag sinabing "Hahamakin ang lahat masunod ka lamang" aba eh.. un n un.. This woman has been through so much.. pinaglalaban nya lahat ng mahal nya sa buhay up to the end. I NEVER saw her get tired lalo na if the person she's fighting for is someone that means a lot to her. She has fallen several times.. and yet tingnan nyo naman.. hindi sha napapagod bumangon ulit. She has always been the very jolly "tse tse" i know 14 yrs ago.. Napakaganda ng ngiti ng taong ito.. Sha ung tipo ng tao na kahit down na down ka pag nginitian ka nya.. aba eh ngiti ka na rin.. hahahaha.. Though, I have seen her cry so many times, still she keeps on fighting. One Tough Lady don't you think? During our college days.. kasama ko yan since first year first sem.. kme nina fiel at kitty ang magkakablock nun.. sha ang aming naging bridge ni Imbet sa aming bawal na relasyon.. hahahaha.. Tama sha.. Birthday nya ang aming naging anniversary for 8 years!! She has always been there for me.. for us.. isang sabi ko lang jan.. aba eh kung kelangan nyang takbuhin mula singapore gang dito sa Pinas.. alam kong gagawin nya.. Si tse tse pa??? I haven’t seen her for the longest time.. and if there’s one thing I wish to tell her na I haven’t said pa.. sna I have her strength to get through it all.. and sna dumating ako sa point na I can also be there for her.. Kahit lumangoy pa man ako papuntang singapore…. Hehehehe God Bless you my dear Bez and stay STRONG!!!
Read more ...

Thursday, July 23, 2009

Episode 7.. COF Through the Years

" Through the years, You never let me down,
You’ve turned my life around,
The sweetest days, I found.. I found with you..
Through the years, It’s better everyday,
You’ve kissed my tears away..
As long as it’s ok.. I’ll stay with you.. Through the Years…”
Almost 15 years na pla nung magsimula tayong pumasok sa walls ng Intramuros papunta sa magulong mundo ng Mapua Institute of Technology... haaayyy.. How time really flies... mga totoy at nene pa tayong lahat nun di ba? Di magkakakakilala.. Napakaraming memories (pero di ako magmomoment.. hehe.)focus ako sa mga funny stories natin nung college days natin... Shempre una na ang kakaibang fashion statements natin di ba? Anjan na ang folded pants, oversized shirts, floral blouses.. Kakaloka!!! Sino ba ang fashionista nun? Hmmm.. teka.. Si Carole Nolasco ata.. ay Dinio na pla ngayon.. (sowee bubut) hehehe.. Ganda magdala ng damit nito.. eh pano kse kanipis ng katawan..haaayyz.. eh sha lang ata ang di nagbago ang figure kahit pa may mga anak na kme ngayon..Neck to neck sila ni Myla.. hehehe.. isa pang fashionista..
One time may naalala akong incident.. ung may nakaaway tayong group of friends din (kung di ako nagkakamali mga IE sila) tas naging classmates natin sa PE.. hehehe.. galing galing natin nun mga girls ng COF kse Team games ata un and kala mo Championship!!! wlang trophy kundi PRIDE ang pinaglalabanan! Buti na lang tayo ang nagwagi..hahahaha...habang ang COF boys ang ating naging cheerers..kakatuwa di ba?!
Ganda ng pinagmulan ng COF ‘Kada.. kse we came from different blocks and different sets of friends.. Ako, sina Kitty, Che and Fiel tapos sina Carol, Tina and Abe, then dumating si Myla, Abbie, Carole, Weng, Jade, Diane sa girls tapos sina Imbet, Edsel, Aris, Mhackie, Abner, Henry naman sa boys. Gang sa patuloy nang lumaki ng lumaki ang ating grupo.. to the point na may nag inquire pano raw sasali sa ating Org.. o di ba? Hahahaha… Meron tayong napagkasunduang initiation pa nun di ba?? Sasamahan si Cantor for the entire month? (Hirap naman nun! Peace tayo Carol hehehe)
Isa ang very common sa tin.. We really love to LAUGH.. Ang Boys enjoy magpatawa habang ang girls naman enjoy tumawa sa mga kalokohan ng boys.. E si Jade nga lang ata nakikipagsabayan sa boys eh.. hehehe..We share common interests, we share laughters, we share the same faith.. we share almost everything .. Hindi buo ang araw pag di nagmeet at nag ingay sa library.. Ang sikreto ng isa sikreto ng lahat.. hehehe.. nagkaron ng mga love teams at love triangles pa.. na-in love.. nasaktan.. na in-love ulit.. nasaktan ulit pero ang importante eh di napapagod na ma inlove ulit hanggang sa most of us already met our own Match-Made in Heaven... And through these years, It really has been a long journey.. we went to different places, some have families of their own and some have great careers..Bottomline?! Everyone in our COF’ Kada is Happy.. (San man kme napadpad..)
Most of us nasa overseas na, while others (Like Imbet and me) stayed here.. but still the bond that we have is still there.. COF pa rin by heart.. we may not see each other that often now.. di tulad nun sa library pero I know and I believe that the Bond the we shared.. the friendship we have will always remain…. Ika nga sa wedding vow… Til Death do us part… (F5..Planuhin na ang ating COF reunion!!!!!)
(Ok na ba itong pang Episode 7? Hahaha..)
Read more ...

Thursday, June 18, 2009

SEE WE'RE GROWING (Episode 8)

Next is Abner Santos. Sino nga ba hindi makakalimot sa SMP (SiMpleng Pilyong) Boy-Next-Door HENYO ng Tropa. Wow..taray kelan pa ba naging Boy-Next-Door si Abner. Ewan ko din yun lang kasi ang pumasok sa puyat kong pag-iisip ngayon. Kung iisipin naman kasi me Face Value si Abner. (magkano kaya yun?). hahaha. Tall, not so dark, and Handsome (minsan??..ehehehe).Simpleng mang-urat itong si Abner. Simpleng bumanat, kaso sa sobrang simpleng humirit ayun, lagi na lang me napipikon sa kanya. ehehehe.
Lets talk about it, One by One. Ang pinaka-asar sa kanya walang iba. Ang tanging babaeng pinagselosan ng kanyang GF at itago natin sa pangalang Ms. Black Belter. hahaha. Mayroon naudlot na pagkakaintindihan..ehehe. At approve jan sila Mother and Father ni Ms. Black belter ke Abner. Bawal idetalye. Pano si Mister Ms. Black Belter baka mabasa pa toh. ehehehe. Pero in the end naman Friends for Life pa din silang 2. At kahit naging Brother Abe na si Abner. Simple pa rin humirit sa pang aasar. Let's say. mejo nag tame ng konti. Pilosopo na lang ng konti..ehehehe. Next ang isa rin sa tropa na muntik muntikan na mahulog din sa kanya. Kuya-kuya kasi si Abner nito. Kaso naudlot pano lagi nya rin inaasar ng sobra-sobra. Siya ay walang iba kundi si Ms. Matampuhin. Pagsamahin pa ang powers ni Abner at Mhackie sa pang-iinis ke Ms. Matampuhin at spray-an ng men's perfume itong si Ms. Matampuhin. Ayun nag-iiyak sa Light well and lola nyo at nagsumbong sa akin after ng klase ko.hahaha. Basta kung minsan sobrang humirit itong si Abner.
Paano naman ko naman kaya ang buhay pag-ibig ni Abner. Ang alam ko lang talaga si Ms. Hot Mama dun nagparamdam sya. Tapos ke Ms. Black Belter din nagparamdam. Hindi ko nga maintindihan kung bakit paramdam lang nun una. hehehe. Yun pala iba pala ang gustong tahaking landas niya. Before that naman, nagka-GF naman si Abner at itago natin sa pangalang Ms. G. Though it was not a happy ending for them. They're still friends.
But he may not found he right person for him, He found his purpose in Life. SYa na ngayon si Bro. Abner. He's still travelling the less travelled road. Aba, mas mahirap ata yun tahakin yun. To choose career or the calling from Heaven. Kaya nga siguro Less Travelled Road ang Heaven kasi kokonti lang talaga ang nakakarinig sa tawag ni God. Mahirap but I know how rewarding it is, not just saving lives but what more important saving souls.
Read more ...

Sunday, June 14, 2009

SEE WE'RE GROWING (Episode 6)

*Episode 6
Next, Sya po ang President of COF 1995. Ang artist na umikit ng mga katagang COF '95 sa aming Favorite na table sa Library. (tanung ni Chikboy. andun pa ba yun?) ehehehe..
Si Jeiddalyn Sejalvo - Dumindin. Si Jade ang Laughing-Buddy sa Tropa. Kung baga No dull moments with Jade. Siya ang opposite ni Imbet sa Tropa. Go na go with the flow itong si Jade. Hindi katulad namin na kung minsan o madalas napipikon sa biro ng mga Pilyong Lalaki. Si Jade kaya nyang i-withstand ang kakulitan nila. Makikisama pa sa batuhan ng mga biro sa kanila. Tawa pa lang ni jade nakakahawa na. ehehehe. Kung gusto mong sumaya ang araw mo si jade dapat ang makasama mo. Kahit asar talo itong Jade, hindi po sya nagpapahuli. Me tamang pambato si Jade sa biro. ehehe. I can still remember nun ayaw kong pumasok sa klase ko. Ginawan ako ni Jade ng excuse letter. ehehehe. Ang reason nya. My friend is broken-hearted. hahaha. (Paano naman kasi ang hindi ako kumain para hintayin ang Mr. Fishball. Yun naman pala kumain kasama ang kanyang basketball team.) with RX signature pa yun ni Jade..ehehehe..
Si Jade napakareligious in nature. Sya ang nag-umpisa sa tropa na umattend sa Chapel ng Wednesday and Friday Novena Mass. Hindi naman sa hindi kami nagsisimba. Pero She encouraged us to go to mass together. The Tropa that prays together, stays together. (Di ba it worked?). From then on, kahit hindi man kami sabay sabay magsimba. But still the bond is strong. Tapos yun mga lovers ng tropa, hindi papasa sa tropa kung hindi kasama sa pagsisimba. (sapilitan-kung baga. hahaha). Sino-sino ang nabiktima?? hahaha (waah.nakakamiss ang Chapel!). Nung busy na ang lahat, kung minsan dun na ang meeting place ng tropa. Hindi pa uso ang mga Handphone nun panahon na yun (anong Petsa yun??), kaya by chance na lang nagmeet. What's nice to remember, after ng mass sabay sabay magmimiryenda kundi sa Adams o Pancitan. ehehehe. (waah. nakakagutom naman alalahanin). Si Jade, ever since loyal sa kanyang Crush at syempe pati sa Love. Matagal bago nya maget-over si Mr. Architect. Hehehe. From North, bibisita si jade sa South 4th Floor para makasalubong si Mr. Architect. hehehe. Isa pang naging crush ni Jade si Mr. EE-Gold Medalist. Hindi ko lang alam kung naalala nila. Kaklase namin yun nila Imbet nun HS pa. Lagi ni niloloko ni Imbet si Jade. Ilalakad nya sya kung papayat sya.ehehehe. Chubby-Chubby si Jade ni College days. Parang hindi nastress sa pag aaral ang dating.
Kaya ang Imbet mega gulat nun kinasal na si Cantor. Kasi si dating Chubby Jade. Natalo nya si Judy-Ann Santos sa payat and kasexyhan. Hindi pa uso ang Fitrum nun take note. hahaha. Tapos me kasamang Jowawers na si Jade that time itago sa pangalan FPJ.ehehe. Ang mga boys tuloy laglagan ang mga panga nun makita ang Bagong Jade. Mala-Beth Tamayo ang Beauty. ehehe. Kaya naman si FPJ at Jade nagtagal din ang kanilang relationship, kaso nga lang due to different beliefs. Kaya hindi nagwork ang kanilang Love Story. (ayy..1st broken heart=( )
But it did not stop her to fall for another guy. Strong si Jade gaya din ni Myles. Mga hindi takot magmahal muli. (aray..parang isa ko sa mga takot..hahaha) Kaya naman sa kasalang Carole-Jonathan. Andun na si Mr. Paul ang nagmamahal sa aming friend.
Ipinakilala ni Jade ang kaniyang magiging partner-for-life na pala. Mr. Paul Dumindin. At kahit me dumating na trahedya sa buhay nila, Jade stayed strong. I know Jade's mom is the happiest lola ever. Syempre magiging 2 na ang kanyang angel. Jade proved and overcome the saying "always the bridesmaid but never been the bride".
(Paano ko wawakasan ang epidode na ito. Sana lang maganda ang naisip ko..ehehe)
Paul and Jade prove that Love will finds it way to make it last forever.
Read more ...

Friday, June 12, 2009

SEE WE'RE GROWING (Episode 5)

*Episode 5
Pasensya na gals and guys at ngayon lang po ko nakapagsulat uli. ehehe. Mapagod ba ako.? Hindi muna ako magsusulat ng details about this episode kasi ang lolo ng lola nyo eh, jellyace masyado kaya konti lang sasabihin ko. ehehehe.
Next, is Annabelle Ong - Alzate. Si Abe ang Henya at Soft-Hearted ng Tropa. Sya lang ata sa Tropa ang hindi nahirapan sa Calculus. Mapa-Differential o Integral. hahaha. san ka pa?
Tapusin ba ng 5-year Course ng 4 na taon at kalahati. Hindi pa po sya ngarag nun mga panahon na yun. ehehehehe. Kasama nya po ang mga Henyo sa Batch namin. Pati nga Mechanics ng CE nagpapaturo kami sa kanya. Basta mga problem-solving me maisasagot itong si Abe. Laki po sya sa Divisoria (DV). Ang China Town ng Pinas. Mata at Apelyido pa lang hindi na maitatanggi. ehehehe. Tutuban mall panis ke Abe. Kahit pikit mata po itong si abe, makakalabas ng DV nyan ng buhay at walang kagalos-galos. hahahaha. Kaso nun pumunta naman sya sa Quiapo o Sta. Cruz ba yun (basta hindi sa DV yun), ayun meron slash ang bag nya. Hindi pala slash. SSLLAASSHH, ang haba talaga ng hiwa ng bag nya, Buti nga umabot si abe ng hindi nalaglag gamit nya hanggan makarating sya sa south 109. Kaso nang papasok na sya, nalaglagan na ang gamit nya, me kasamang folder at Lab book nya. (Imagine Lumusot yung Folder at Lab Book??) ehehe. Kaso sadyang MATH-Tinik talaga si abe, hindi nila nahanap ang wallet nya. Paano laking DV eh. hahaha. Siguro kaya ang haba ng hiwa pano hindi nila makapa yun wallet. Biguan ang manong kaya idinaan sa hiwa. hahaha.
Graceful dancer din itong si Abe. Hip-hop dancing. Panis sa kanya yun (isama nyo jan pati si Tina). hehehe. Sa samahan Cantor-Abe-Tina (C.A.T o di ba?). Talented sila sa pagsasayaw. (Bakit nga ba hindi sila kasama sa Dance Contest na sinalihan namin nila Shawi??ehehehe). Buti na lang me nakita kong pic na sumasayaw si abe (si Tina at Cantor for their hubbies' eyes only)
Kung si Mareng Cantor ang strong sa tropa, opposite itong si Abe. Mejo madaling magtampo, minsan pikon, bigla na lang tatahimik sa isang sulok (sensya na Abe =) ) minsan makulit, minsan madaldal. Bihira kasi naman magkwento si Abe sa buhay nya. Basta alam ko lang, marami syang dala-dala sa dibdib na until now hindi nya masabi. Personality na rin siguro si Abe yun masekreto o pa-mysterious ng konti (pero sa akin, nasasabi naman nya lahat. Lucky talaga Me. hehehe.) Yun lang . Wag na wag nyo pong pagkukwentuhan ang buhay buhay ng mga Taartits. Hindi po nagpapahuli kailanman itong si Abe. Isama nyo pa nun mauso ang Meteor Garden at mga koreanoa novela sa Pinas. Nauuna pa po sya bago ipalabas sa TV ang series. Kaya naman nahawa ko ng sobra sa kanya at naging adik din ako.
Sya ang aking source kung anong magandang Korean-Taiwan TV Series (waahh..bigla ko naman namiss ang magpuyat kakapanood ng mga drama series.waahh). Kaya nga nun nag-nenenuk ako ng pictures nya sa FS nya. nakuh, ang dami nyang pics together with Taartists. Kapamilya o Kapuso Stars eh me pic sya. Kaso bias ako, yun kinuha ko lang yun ke Yeng, Pano maganda pala sya sa malapitan. sensya na maka-TFC ang lola nyo. hahaha.
Eto na ang pinaka-hihintay ng lahat. Ang buhay Pag-ibig ni Annabelle. Ahheemm. Ahhemm. Pasin-tabi po ke Pareng Noel, konti lang po yun kukuwento ko. Promise. hahahaha.(kelan pa naging maiksi ang lovelife ni abe. Buong Episode 5 lang ata solve na ke abe. hahaha.) Sino ba hindi makakalimot sa unang pag-ibig ni Abe? (Nun college ha?) (aba? meron ba akong hindi alam? sino nga ba ang 1st love mo? ehehehe) Itago natin sa pangalan Jao Mapa. hahaha. When it comes to love, Annabelle gives everything she can give to the one she loves. Di baleng walang itira yan sa sarili nya, as long as it will make them happy.(take note: THEM!) Hindi ko talaga makakalimutan si Jao Mapa. Akalain nyo bang alipinin ang kaibigan ko. este natin. Waahh! pag naalala ko yun naiinis pa din ako. Relaks lang ako (ang BP baka tumaas). Hindi ko alam kung bakit nagkaganun. Basta ang alam ko, love sya ni abe. (bawal idetail-baka mabasa ni fafa mapauwi bigla =) ). Kahit hindi naman kami nagkasama ni Jao Mapa. Me utang sya sa akin. Hindi nya sinuli yun mga libro ko sa TRIGO at ALGEBRA!! HAHAHA!! Kundi ko lang friend si Abe, hindi ko napahiram yun sa kanya. (bakit nga ba nya yun hiniram?? mas ahead naman sya sa amin?? ahhh..baka nag MA sya. ehehehe.)
In fairness hindi lang naman si Abe ang nagmamahal. Aba, balita ko meron naging masugid na manliligaw itong si Abe. Itago natin sa pangalang Free Willy. Natatameme ke Abe ang Free Willy pag kausap sya. But I didn't know bakit si Free Willy naglaho? Hindi ko tuloy sure kung dahil ke Prof kaya nag laho.
Next is, itago sa pangalang Lolo Prof. Pede ding Mr. Braces. hahaha. Eto talaga yun naging BF ni Abe. Hindi ko sure kung before graduation ni abe yun eh. Natatandaan ko lang kahit graduate na itong si Abe tambay pa rin sa Mapua syempre andun pa kami. hahaha. Pero yun na pala yun me inaantay ang Chinkee-Girl na itu.hahaha. Kaso ang Lolo Prof masyadong (feelingness) kagwapuhan eh, me kasamang Chinkee Girl din (pero hindi si Abe =) ) Ayun, bistado si Lolo Prof. Pero dahil love ni Abe yun, kaya binigyan nya pa ng chance si Lolo Prof. But it did not last forever. (ahh. first heartache)
Alam naman ng lahat umalis si Abe papuntang Taiwan. Nun una, mejo okay naman ang kanilang samahan kahit magkalayo. Pero sadyang, Mahirap ang long distance love-affair. so hindi na sya nag work for both of them. OOppss. hindi ko na ikwento ang isang insidenteng nagpahaba sa buhok ni abe na ginawa ni Lolo Prof.
Though, broken hearted si Abe, she found the man she loves and who loves her. At yan po si Noel Alzate. Kahit madaming hadlang eh, nagawan nila ng paraan. Just sticking to the love they have for each other. Syempre nga naman si Abe kasama sa Lahi ni Confucius. So si mother dear hoping to find someone with the same blood as Confucius.ehehehe. But they've proved that 2 different world with different blood can always meet halfway and will last forever as long as there's love and that matters most! (ayyy. Love nga naman!)
Hope to see little Noel and little Abe soon!
=) abangan ang Episode 6.
Read more ...

Thursday, June 11, 2009

SEE WE'RE GROWING (Episode 4)

Ganito pala ang feeling ng mga writer. Kahit tomguts na sige pa rin ng sige sa pagsusulat. Kaso ako pang Precious Heart Romance Book ang tipo. (ang nagagawa nga naman ng TFC) hahaha. Napansin ko lang kasi parang Bud Brothers Series ang ginagawa ko.hahahaha. Pano they’ve found their true love within the Circle of Friends. Ehehe. Buti na lang ako, nagising sa mahimbing kong pagkakatulog. Episode 4 * Hindi ko alam meron pala sila the Story of Us sa web page nila. Ehehehe. Di bale me mga detalyeng hindi naman sinabi duon. Luckily, they did not elaborate to much. Wawa naman ang pobreng writer-to-be kung walang maisusulat sa Episode 4. Next is, ang hot mama. Caroline Nolasco – Diño. Ang Ms. Heart-Throb sa Tropa. Since college ang beauty nya nililingon na ng mga boys. Isama nyo pa jan ang pagiging sexy. Ehehe. (Tingnan nyo naman Hot Mama talaga sya=) )

Isa rin sya sa tropa ng mahinhin. At kahit anong bilis ng lakad nya, fresh na fresh pa rin yan pag napasok sa school. (Ang babaeng hindi pinagpapawisan! hahaha=) ). Before she met Jojo (o kilala nya na si Jojo), me isa pa sa tropa ang nagparamdam sa kanya (ano yun multo, nagparamdam? =) ) Paano, just like Jojo natatameme sa kanya. Hahaha. Sino nga ba yun? Tapos nga naging isyu pa yun sa tropa. Napagkamalan dun sa isang tukayo sya nagpaparamdam yun pala ke Carole. Hahaha. ( naku naalala pa kaya nya yun, baka masipa ako nun. hahaha). Si Bro kasi super bait (pero nasa loob ang kulo. Ehehehe. Bakit hindi ko toh nasulat sa Episode 1. hahaha). Tawagan ba pareho ang magkapareho ng name. Kaya ayun, windang kagad si Bro. ahahaha. Bawas sa checklist ni Carole. Mala-pelikula ni Ana Capri ang mga lalaking nahumaling ke Carole. (Pila-balde) I’m becoming so addictive to this blog. Dalhin ko ba ito hanggan nasa bus ako. Mejo mahirap ang Episode 4 kasi naman po meron na sila nagawang blog para sa isa’t isa. Hahaha. Kaya habang nasa byahe. Nagsusulat ako. (adik diba?)

Hindi ko alam kung naalala ng tropa na napasingit sa Intriga List ang pangalang Tina-Carole issue. Hahaha. (the Buzz!!). ehehehe. Basta ko remember ko pa 2. Siguro kasi silang 2 lang sa tropa ang laging magkasama tapos si Tina na mahiyain mejo nahawa sa mga guardia-sibil nya. Mahigpit magbantay pati sa kaibigan. Kaya ayun akala ng karamihan obit itong si kumareng Tina. Luckily, napasagot ni Tone si Tina at ayun natigil ang chismax about the OBITs issue. Next, hindi ko nga alam itong 2nd Itriga List until yesterday. Hahaha. According to my source person, si Carole pala nagkaroon ng BF with initials J.R. waah. Ganun ba kami ka-busy na hindi ko alam na nagkaBF ka mare besides from Jojo?? Ehehe. Anyway hindi ko naman sya knowing at wala kong matandaan na J.R. kaya ibaon na natin sya sa limot.
So pano ko nga idescribe si jonathan??? Kung tutuusin hindi kami close ehehehe. Naging close lang naming kami, sa pasulpot-sulpot nyang pagsama-sama sa tropa especially pag me overnight sa bahay nila Myles. Syempre manginginom pareho, ikanga same birds flock together. Hahaha. Kadalasan naman jamming sila ni Manong Fishball sa Yosi Session. Ehehehe. (lagi na lang singit si Manong Fishball. No choice kelangan magsabi ng totoo ang lola nyo)
Isa lang ang naisip ko description. Jonathan Diño ang Computer Geek sa tropa. Yun lang wala na eh. Kasi kung looks naman (mga pare at mare, kitang kita naman sa picture) ang angas di ba.Pero yun angas naman na yun eh ang nagpahumaling ke Carole. ehehehe.
Di ba bad boy na bad boy ang look ni Jonathan, matching skin head at payat na payat. (Ilang gramo ba ang na-take natin dito, Pre??) Kala mo kulang sa Bitamina A at C. (Natatawa pa rin ako kasi ibang iba itsura nya nun payat pa sya.) Ito naman picture sa baba, malapit na syang masobrahan sa Bitamina. ehehehe
Itong di Jonathan isa sa mga on and off sa tropa, Paminsan anjan sa tropa nangungulit ngulit minsan naman nowhere to be found. Yun pala naman diskarte nya yun para mahulog si Hot Mama sa bitag nya. hahahaha. (Galing mo Jo! MATH-Tinik! Panalo! ganun pala yun?)Yung nga lang sa tagal nyang nowhere to be found nagkaroon ng chance si Mr. J.R. para agawin ng maiksing panahon ni Carole. Kaya ang Lolo Jonathan nagkumahog ng husto, kaya, balik eksena muli si MR. Bad Boy himself. ehehe. (Yun eh!)
Itong 2 itong madami rin pinagdaanan. About sa kani-kanilang buhay. But the best part is they both succeed in their own field. Ang kagandahan pa nito, hindi sila sumuko. Magkasama sila to face life hardship.
At ang nakakatuwa isinama nila kami sa kanilang success. hehehe. Gawin bang tambayan ang condo nila. Tapos ang mga pagkain. Wow! Ang sasarap. Kung dati solve na kami sa Gin at San Mig, ngayon wine at Black/Red (white,blue,green, yellow. AYy lasheng na ko.) Label ang nakahain. (waahh. nakakainis wala akong pictures..waahh.)
Kaya hindi na rin kami nagulat na sila na ang susunod na ikakasal ng bonggang-bongga. ehehehe.
Eventhough before the wedding day, sinubok pa sila ng tadhana. There's no storm to stop them for saying "I DO". They just proved that they can really conquer the world as long as they're together. And I know for a fact happy naman si Lolo dahil binigyan nila agad ng gwapong gwapo apo. Jonathan Diño Junior. Noo palang kitang-kita na Little Jojo ang aking inaanak. See? How will i end this episode in a quote that best described their love story. They only proved that Love at First Sight can start a good relationship and can last forever.
Read more ...