Welcome to the world! GINJI MAGALLANES GONZALES...!! To all COF members, join na kayo! please don't hesitate to participate sa chatbox...intayin namin kayo!! MISS YOU ALL!!

Friday, July 24, 2009

Continuation ni Episode 7.. It's Angel's turn naman

Hmmm... napansin ko kse.. na andami dami nang nasulat ng ating kaibigan na nagtatago sa pangalang "tse tse" tungkol sa kanyang mga memorable experiences with each one of us. It only shows kung gaano sha kadaldal.. (hehehe) I think its about time na sha naman ang ikwento ko sa inyo... so are you all ready?? (Exciting to! Yes naman!!) Si Mare kong ito eh pambihira sa lahat ng bagay... pambihira sa bait, pambihira maging kaibigan, pambihira din sa katigasan ng ulo (peace tayo.. hehehe) at higit sa lahat...pambihirang magmahal. Eto lang ata ang taong nakilala ko na pag sinabing "Hahamakin ang lahat masunod ka lamang" aba eh.. un n un.. This woman has been through so much.. pinaglalaban nya lahat ng mahal nya sa buhay up to the end. I NEVER saw her get tired lalo na if the person she's fighting for is someone that means a lot to her. She has fallen several times.. and yet tingnan nyo naman.. hindi sha napapagod bumangon ulit. She has always been the very jolly "tse tse" i know 14 yrs ago.. Napakaganda ng ngiti ng taong ito.. Sha ung tipo ng tao na kahit down na down ka pag nginitian ka nya.. aba eh ngiti ka na rin.. hahahaha.. Though, I have seen her cry so many times, still she keeps on fighting. One Tough Lady don't you think? During our college days.. kasama ko yan since first year first sem.. kme nina fiel at kitty ang magkakablock nun.. sha ang aming naging bridge ni Imbet sa aming bawal na relasyon.. hahahaha.. Tama sha.. Birthday nya ang aming naging anniversary for 8 years!! She has always been there for me.. for us.. isang sabi ko lang jan.. aba eh kung kelangan nyang takbuhin mula singapore gang dito sa Pinas.. alam kong gagawin nya.. Si tse tse pa??? I haven’t seen her for the longest time.. and if there’s one thing I wish to tell her na I haven’t said pa.. sna I have her strength to get through it all.. and sna dumating ako sa point na I can also be there for her.. Kahit lumangoy pa man ako papuntang singapore…. Hehehehe God Bless you my dear Bez and stay STRONG!!!
Read more ...

Thursday, July 23, 2009

Episode 7.. COF Through the Years

" Through the years, You never let me down,
You’ve turned my life around,
The sweetest days, I found.. I found with you..
Through the years, It’s better everyday,
You’ve kissed my tears away..
As long as it’s ok.. I’ll stay with you.. Through the Years…”
Almost 15 years na pla nung magsimula tayong pumasok sa walls ng Intramuros papunta sa magulong mundo ng Mapua Institute of Technology... haaayyy.. How time really flies... mga totoy at nene pa tayong lahat nun di ba? Di magkakakakilala.. Napakaraming memories (pero di ako magmomoment.. hehe.)focus ako sa mga funny stories natin nung college days natin... Shempre una na ang kakaibang fashion statements natin di ba? Anjan na ang folded pants, oversized shirts, floral blouses.. Kakaloka!!! Sino ba ang fashionista nun? Hmmm.. teka.. Si Carole Nolasco ata.. ay Dinio na pla ngayon.. (sowee bubut) hehehe.. Ganda magdala ng damit nito.. eh pano kse kanipis ng katawan..haaayyz.. eh sha lang ata ang di nagbago ang figure kahit pa may mga anak na kme ngayon..Neck to neck sila ni Myla.. hehehe.. isa pang fashionista..
One time may naalala akong incident.. ung may nakaaway tayong group of friends din (kung di ako nagkakamali mga IE sila) tas naging classmates natin sa PE.. hehehe.. galing galing natin nun mga girls ng COF kse Team games ata un and kala mo Championship!!! wlang trophy kundi PRIDE ang pinaglalabanan! Buti na lang tayo ang nagwagi..hahahaha...habang ang COF boys ang ating naging cheerers..kakatuwa di ba?!
Ganda ng pinagmulan ng COF ‘Kada.. kse we came from different blocks and different sets of friends.. Ako, sina Kitty, Che and Fiel tapos sina Carol, Tina and Abe, then dumating si Myla, Abbie, Carole, Weng, Jade, Diane sa girls tapos sina Imbet, Edsel, Aris, Mhackie, Abner, Henry naman sa boys. Gang sa patuloy nang lumaki ng lumaki ang ating grupo.. to the point na may nag inquire pano raw sasali sa ating Org.. o di ba? Hahahaha… Meron tayong napagkasunduang initiation pa nun di ba?? Sasamahan si Cantor for the entire month? (Hirap naman nun! Peace tayo Carol hehehe)
Isa ang very common sa tin.. We really love to LAUGH.. Ang Boys enjoy magpatawa habang ang girls naman enjoy tumawa sa mga kalokohan ng boys.. E si Jade nga lang ata nakikipagsabayan sa boys eh.. hehehe..We share common interests, we share laughters, we share the same faith.. we share almost everything .. Hindi buo ang araw pag di nagmeet at nag ingay sa library.. Ang sikreto ng isa sikreto ng lahat.. hehehe.. nagkaron ng mga love teams at love triangles pa.. na-in love.. nasaktan.. na in-love ulit.. nasaktan ulit pero ang importante eh di napapagod na ma inlove ulit hanggang sa most of us already met our own Match-Made in Heaven... And through these years, It really has been a long journey.. we went to different places, some have families of their own and some have great careers..Bottomline?! Everyone in our COF’ Kada is Happy.. (San man kme napadpad..)
Most of us nasa overseas na, while others (Like Imbet and me) stayed here.. but still the bond that we have is still there.. COF pa rin by heart.. we may not see each other that often now.. di tulad nun sa library pero I know and I believe that the Bond the we shared.. the friendship we have will always remain…. Ika nga sa wedding vow… Til Death do us part… (F5..Planuhin na ang ating COF reunion!!!!!)
(Ok na ba itong pang Episode 7? Hahaha..)
Read more ...

Thursday, June 18, 2009

SEE WE'RE GROWING (Episode 8)

Next is Abner Santos. Sino nga ba hindi makakalimot sa SMP (SiMpleng Pilyong) Boy-Next-Door HENYO ng Tropa. Wow..taray kelan pa ba naging Boy-Next-Door si Abner. Ewan ko din yun lang kasi ang pumasok sa puyat kong pag-iisip ngayon. Kung iisipin naman kasi me Face Value si Abner. (magkano kaya yun?). hahaha. Tall, not so dark, and Handsome (minsan??..ehehehe).Simpleng mang-urat itong si Abner. Simpleng bumanat, kaso sa sobrang simpleng humirit ayun, lagi na lang me napipikon sa kanya. ehehehe.
Lets talk about it, One by One. Ang pinaka-asar sa kanya walang iba. Ang tanging babaeng pinagselosan ng kanyang GF at itago natin sa pangalang Ms. Black Belter. hahaha. Mayroon naudlot na pagkakaintindihan..ehehe. At approve jan sila Mother and Father ni Ms. Black belter ke Abner. Bawal idetalye. Pano si Mister Ms. Black Belter baka mabasa pa toh. ehehehe. Pero in the end naman Friends for Life pa din silang 2. At kahit naging Brother Abe na si Abner. Simple pa rin humirit sa pang aasar. Let's say. mejo nag tame ng konti. Pilosopo na lang ng konti..ehehehe. Next ang isa rin sa tropa na muntik muntikan na mahulog din sa kanya. Kuya-kuya kasi si Abner nito. Kaso naudlot pano lagi nya rin inaasar ng sobra-sobra. Siya ay walang iba kundi si Ms. Matampuhin. Pagsamahin pa ang powers ni Abner at Mhackie sa pang-iinis ke Ms. Matampuhin at spray-an ng men's perfume itong si Ms. Matampuhin. Ayun nag-iiyak sa Light well and lola nyo at nagsumbong sa akin after ng klase ko.hahaha. Basta kung minsan sobrang humirit itong si Abner.
Paano naman ko naman kaya ang buhay pag-ibig ni Abner. Ang alam ko lang talaga si Ms. Hot Mama dun nagparamdam sya. Tapos ke Ms. Black Belter din nagparamdam. Hindi ko nga maintindihan kung bakit paramdam lang nun una. hehehe. Yun pala iba pala ang gustong tahaking landas niya. Before that naman, nagka-GF naman si Abner at itago natin sa pangalang Ms. G. Though it was not a happy ending for them. They're still friends.
But he may not found he right person for him, He found his purpose in Life. SYa na ngayon si Bro. Abner. He's still travelling the less travelled road. Aba, mas mahirap ata yun tahakin yun. To choose career or the calling from Heaven. Kaya nga siguro Less Travelled Road ang Heaven kasi kokonti lang talaga ang nakakarinig sa tawag ni God. Mahirap but I know how rewarding it is, not just saving lives but what more important saving souls.
Read more ...

Sunday, June 14, 2009

SEE WE'RE GROWING (Episode 6)

*Episode 6
Next, Sya po ang President of COF 1995. Ang artist na umikit ng mga katagang COF '95 sa aming Favorite na table sa Library. (tanung ni Chikboy. andun pa ba yun?) ehehehe..
Si Jeiddalyn Sejalvo - Dumindin. Si Jade ang Laughing-Buddy sa Tropa. Kung baga No dull moments with Jade. Siya ang opposite ni Imbet sa Tropa. Go na go with the flow itong si Jade. Hindi katulad namin na kung minsan o madalas napipikon sa biro ng mga Pilyong Lalaki. Si Jade kaya nyang i-withstand ang kakulitan nila. Makikisama pa sa batuhan ng mga biro sa kanila. Tawa pa lang ni jade nakakahawa na. ehehehe. Kung gusto mong sumaya ang araw mo si jade dapat ang makasama mo. Kahit asar talo itong Jade, hindi po sya nagpapahuli. Me tamang pambato si Jade sa biro. ehehe. I can still remember nun ayaw kong pumasok sa klase ko. Ginawan ako ni Jade ng excuse letter. ehehehe. Ang reason nya. My friend is broken-hearted. hahaha. (Paano naman kasi ang hindi ako kumain para hintayin ang Mr. Fishball. Yun naman pala kumain kasama ang kanyang basketball team.) with RX signature pa yun ni Jade..ehehehe..
Si Jade napakareligious in nature. Sya ang nag-umpisa sa tropa na umattend sa Chapel ng Wednesday and Friday Novena Mass. Hindi naman sa hindi kami nagsisimba. Pero She encouraged us to go to mass together. The Tropa that prays together, stays together. (Di ba it worked?). From then on, kahit hindi man kami sabay sabay magsimba. But still the bond is strong. Tapos yun mga lovers ng tropa, hindi papasa sa tropa kung hindi kasama sa pagsisimba. (sapilitan-kung baga. hahaha). Sino-sino ang nabiktima?? hahaha (waah.nakakamiss ang Chapel!). Nung busy na ang lahat, kung minsan dun na ang meeting place ng tropa. Hindi pa uso ang mga Handphone nun panahon na yun (anong Petsa yun??), kaya by chance na lang nagmeet. What's nice to remember, after ng mass sabay sabay magmimiryenda kundi sa Adams o Pancitan. ehehehe. (waah. nakakagutom naman alalahanin). Si Jade, ever since loyal sa kanyang Crush at syempe pati sa Love. Matagal bago nya maget-over si Mr. Architect. Hehehe. From North, bibisita si jade sa South 4th Floor para makasalubong si Mr. Architect. hehehe. Isa pang naging crush ni Jade si Mr. EE-Gold Medalist. Hindi ko lang alam kung naalala nila. Kaklase namin yun nila Imbet nun HS pa. Lagi ni niloloko ni Imbet si Jade. Ilalakad nya sya kung papayat sya.ehehehe. Chubby-Chubby si Jade ni College days. Parang hindi nastress sa pag aaral ang dating.
Kaya ang Imbet mega gulat nun kinasal na si Cantor. Kasi si dating Chubby Jade. Natalo nya si Judy-Ann Santos sa payat and kasexyhan. Hindi pa uso ang Fitrum nun take note. hahaha. Tapos me kasamang Jowawers na si Jade that time itago sa pangalan FPJ.ehehe. Ang mga boys tuloy laglagan ang mga panga nun makita ang Bagong Jade. Mala-Beth Tamayo ang Beauty. ehehe. Kaya naman si FPJ at Jade nagtagal din ang kanilang relationship, kaso nga lang due to different beliefs. Kaya hindi nagwork ang kanilang Love Story. (ayy..1st broken heart=( )
But it did not stop her to fall for another guy. Strong si Jade gaya din ni Myles. Mga hindi takot magmahal muli. (aray..parang isa ko sa mga takot..hahaha) Kaya naman sa kasalang Carole-Jonathan. Andun na si Mr. Paul ang nagmamahal sa aming friend.
Ipinakilala ni Jade ang kaniyang magiging partner-for-life na pala. Mr. Paul Dumindin. At kahit me dumating na trahedya sa buhay nila, Jade stayed strong. I know Jade's mom is the happiest lola ever. Syempre magiging 2 na ang kanyang angel. Jade proved and overcome the saying "always the bridesmaid but never been the bride".
(Paano ko wawakasan ang epidode na ito. Sana lang maganda ang naisip ko..ehehe)
Paul and Jade prove that Love will finds it way to make it last forever.
Read more ...

Friday, June 12, 2009

SEE WE'RE GROWING (Episode 5)

*Episode 5
Pasensya na gals and guys at ngayon lang po ko nakapagsulat uli. ehehe. Mapagod ba ako.? Hindi muna ako magsusulat ng details about this episode kasi ang lolo ng lola nyo eh, jellyace masyado kaya konti lang sasabihin ko. ehehehe.
Next, is Annabelle Ong - Alzate. Si Abe ang Henya at Soft-Hearted ng Tropa. Sya lang ata sa Tropa ang hindi nahirapan sa Calculus. Mapa-Differential o Integral. hahaha. san ka pa?
Tapusin ba ng 5-year Course ng 4 na taon at kalahati. Hindi pa po sya ngarag nun mga panahon na yun. ehehehehe. Kasama nya po ang mga Henyo sa Batch namin. Pati nga Mechanics ng CE nagpapaturo kami sa kanya. Basta mga problem-solving me maisasagot itong si Abe. Laki po sya sa Divisoria (DV). Ang China Town ng Pinas. Mata at Apelyido pa lang hindi na maitatanggi. ehehehe. Tutuban mall panis ke Abe. Kahit pikit mata po itong si abe, makakalabas ng DV nyan ng buhay at walang kagalos-galos. hahahaha. Kaso nun pumunta naman sya sa Quiapo o Sta. Cruz ba yun (basta hindi sa DV yun), ayun meron slash ang bag nya. Hindi pala slash. SSLLAASSHH, ang haba talaga ng hiwa ng bag nya, Buti nga umabot si abe ng hindi nalaglag gamit nya hanggan makarating sya sa south 109. Kaso nang papasok na sya, nalaglagan na ang gamit nya, me kasamang folder at Lab book nya. (Imagine Lumusot yung Folder at Lab Book??) ehehe. Kaso sadyang MATH-Tinik talaga si abe, hindi nila nahanap ang wallet nya. Paano laking DV eh. hahaha. Siguro kaya ang haba ng hiwa pano hindi nila makapa yun wallet. Biguan ang manong kaya idinaan sa hiwa. hahaha.
Graceful dancer din itong si Abe. Hip-hop dancing. Panis sa kanya yun (isama nyo jan pati si Tina). hehehe. Sa samahan Cantor-Abe-Tina (C.A.T o di ba?). Talented sila sa pagsasayaw. (Bakit nga ba hindi sila kasama sa Dance Contest na sinalihan namin nila Shawi??ehehehe). Buti na lang me nakita kong pic na sumasayaw si abe (si Tina at Cantor for their hubbies' eyes only)
Kung si Mareng Cantor ang strong sa tropa, opposite itong si Abe. Mejo madaling magtampo, minsan pikon, bigla na lang tatahimik sa isang sulok (sensya na Abe =) ) minsan makulit, minsan madaldal. Bihira kasi naman magkwento si Abe sa buhay nya. Basta alam ko lang, marami syang dala-dala sa dibdib na until now hindi nya masabi. Personality na rin siguro si Abe yun masekreto o pa-mysterious ng konti (pero sa akin, nasasabi naman nya lahat. Lucky talaga Me. hehehe.) Yun lang . Wag na wag nyo pong pagkukwentuhan ang buhay buhay ng mga Taartits. Hindi po nagpapahuli kailanman itong si Abe. Isama nyo pa nun mauso ang Meteor Garden at mga koreanoa novela sa Pinas. Nauuna pa po sya bago ipalabas sa TV ang series. Kaya naman nahawa ko ng sobra sa kanya at naging adik din ako.
Sya ang aking source kung anong magandang Korean-Taiwan TV Series (waahh..bigla ko naman namiss ang magpuyat kakapanood ng mga drama series.waahh). Kaya nga nun nag-nenenuk ako ng pictures nya sa FS nya. nakuh, ang dami nyang pics together with Taartists. Kapamilya o Kapuso Stars eh me pic sya. Kaso bias ako, yun kinuha ko lang yun ke Yeng, Pano maganda pala sya sa malapitan. sensya na maka-TFC ang lola nyo. hahaha.
Eto na ang pinaka-hihintay ng lahat. Ang buhay Pag-ibig ni Annabelle. Ahheemm. Ahhemm. Pasin-tabi po ke Pareng Noel, konti lang po yun kukuwento ko. Promise. hahahaha.(kelan pa naging maiksi ang lovelife ni abe. Buong Episode 5 lang ata solve na ke abe. hahaha.) Sino ba hindi makakalimot sa unang pag-ibig ni Abe? (Nun college ha?) (aba? meron ba akong hindi alam? sino nga ba ang 1st love mo? ehehehe) Itago natin sa pangalan Jao Mapa. hahaha. When it comes to love, Annabelle gives everything she can give to the one she loves. Di baleng walang itira yan sa sarili nya, as long as it will make them happy.(take note: THEM!) Hindi ko talaga makakalimutan si Jao Mapa. Akalain nyo bang alipinin ang kaibigan ko. este natin. Waahh! pag naalala ko yun naiinis pa din ako. Relaks lang ako (ang BP baka tumaas). Hindi ko alam kung bakit nagkaganun. Basta ang alam ko, love sya ni abe. (bawal idetail-baka mabasa ni fafa mapauwi bigla =) ). Kahit hindi naman kami nagkasama ni Jao Mapa. Me utang sya sa akin. Hindi nya sinuli yun mga libro ko sa TRIGO at ALGEBRA!! HAHAHA!! Kundi ko lang friend si Abe, hindi ko napahiram yun sa kanya. (bakit nga ba nya yun hiniram?? mas ahead naman sya sa amin?? ahhh..baka nag MA sya. ehehehe.)
In fairness hindi lang naman si Abe ang nagmamahal. Aba, balita ko meron naging masugid na manliligaw itong si Abe. Itago natin sa pangalang Free Willy. Natatameme ke Abe ang Free Willy pag kausap sya. But I didn't know bakit si Free Willy naglaho? Hindi ko tuloy sure kung dahil ke Prof kaya nag laho.
Next is, itago sa pangalang Lolo Prof. Pede ding Mr. Braces. hahaha. Eto talaga yun naging BF ni Abe. Hindi ko sure kung before graduation ni abe yun eh. Natatandaan ko lang kahit graduate na itong si Abe tambay pa rin sa Mapua syempre andun pa kami. hahaha. Pero yun na pala yun me inaantay ang Chinkee-Girl na itu.hahaha. Kaso ang Lolo Prof masyadong (feelingness) kagwapuhan eh, me kasamang Chinkee Girl din (pero hindi si Abe =) ) Ayun, bistado si Lolo Prof. Pero dahil love ni Abe yun, kaya binigyan nya pa ng chance si Lolo Prof. But it did not last forever. (ahh. first heartache)
Alam naman ng lahat umalis si Abe papuntang Taiwan. Nun una, mejo okay naman ang kanilang samahan kahit magkalayo. Pero sadyang, Mahirap ang long distance love-affair. so hindi na sya nag work for both of them. OOppss. hindi ko na ikwento ang isang insidenteng nagpahaba sa buhok ni abe na ginawa ni Lolo Prof.
Though, broken hearted si Abe, she found the man she loves and who loves her. At yan po si Noel Alzate. Kahit madaming hadlang eh, nagawan nila ng paraan. Just sticking to the love they have for each other. Syempre nga naman si Abe kasama sa Lahi ni Confucius. So si mother dear hoping to find someone with the same blood as Confucius.ehehehe. But they've proved that 2 different world with different blood can always meet halfway and will last forever as long as there's love and that matters most! (ayyy. Love nga naman!)
Hope to see little Noel and little Abe soon!
=) abangan ang Episode 6.
Read more ...

Thursday, June 11, 2009

SEE WE'RE GROWING (Episode 4)

Ganito pala ang feeling ng mga writer. Kahit tomguts na sige pa rin ng sige sa pagsusulat. Kaso ako pang Precious Heart Romance Book ang tipo. (ang nagagawa nga naman ng TFC) hahaha. Napansin ko lang kasi parang Bud Brothers Series ang ginagawa ko.hahahaha. Pano they’ve found their true love within the Circle of Friends. Ehehe. Buti na lang ako, nagising sa mahimbing kong pagkakatulog. Episode 4 * Hindi ko alam meron pala sila the Story of Us sa web page nila. Ehehehe. Di bale me mga detalyeng hindi naman sinabi duon. Luckily, they did not elaborate to much. Wawa naman ang pobreng writer-to-be kung walang maisusulat sa Episode 4. Next is, ang hot mama. Caroline Nolasco – Diño. Ang Ms. Heart-Throb sa Tropa. Since college ang beauty nya nililingon na ng mga boys. Isama nyo pa jan ang pagiging sexy. Ehehe. (Tingnan nyo naman Hot Mama talaga sya=) )

Isa rin sya sa tropa ng mahinhin. At kahit anong bilis ng lakad nya, fresh na fresh pa rin yan pag napasok sa school. (Ang babaeng hindi pinagpapawisan! hahaha=) ). Before she met Jojo (o kilala nya na si Jojo), me isa pa sa tropa ang nagparamdam sa kanya (ano yun multo, nagparamdam? =) ) Paano, just like Jojo natatameme sa kanya. Hahaha. Sino nga ba yun? Tapos nga naging isyu pa yun sa tropa. Napagkamalan dun sa isang tukayo sya nagpaparamdam yun pala ke Carole. Hahaha. ( naku naalala pa kaya nya yun, baka masipa ako nun. hahaha). Si Bro kasi super bait (pero nasa loob ang kulo. Ehehehe. Bakit hindi ko toh nasulat sa Episode 1. hahaha). Tawagan ba pareho ang magkapareho ng name. Kaya ayun, windang kagad si Bro. ahahaha. Bawas sa checklist ni Carole. Mala-pelikula ni Ana Capri ang mga lalaking nahumaling ke Carole. (Pila-balde) I’m becoming so addictive to this blog. Dalhin ko ba ito hanggan nasa bus ako. Mejo mahirap ang Episode 4 kasi naman po meron na sila nagawang blog para sa isa’t isa. Hahaha. Kaya habang nasa byahe. Nagsusulat ako. (adik diba?)

Hindi ko alam kung naalala ng tropa na napasingit sa Intriga List ang pangalang Tina-Carole issue. Hahaha. (the Buzz!!). ehehehe. Basta ko remember ko pa 2. Siguro kasi silang 2 lang sa tropa ang laging magkasama tapos si Tina na mahiyain mejo nahawa sa mga guardia-sibil nya. Mahigpit magbantay pati sa kaibigan. Kaya ayun akala ng karamihan obit itong si kumareng Tina. Luckily, napasagot ni Tone si Tina at ayun natigil ang chismax about the OBITs issue. Next, hindi ko nga alam itong 2nd Itriga List until yesterday. Hahaha. According to my source person, si Carole pala nagkaroon ng BF with initials J.R. waah. Ganun ba kami ka-busy na hindi ko alam na nagkaBF ka mare besides from Jojo?? Ehehe. Anyway hindi ko naman sya knowing at wala kong matandaan na J.R. kaya ibaon na natin sya sa limot.
So pano ko nga idescribe si jonathan??? Kung tutuusin hindi kami close ehehehe. Naging close lang naming kami, sa pasulpot-sulpot nyang pagsama-sama sa tropa especially pag me overnight sa bahay nila Myles. Syempre manginginom pareho, ikanga same birds flock together. Hahaha. Kadalasan naman jamming sila ni Manong Fishball sa Yosi Session. Ehehehe. (lagi na lang singit si Manong Fishball. No choice kelangan magsabi ng totoo ang lola nyo)
Isa lang ang naisip ko description. Jonathan Diño ang Computer Geek sa tropa. Yun lang wala na eh. Kasi kung looks naman (mga pare at mare, kitang kita naman sa picture) ang angas di ba.Pero yun angas naman na yun eh ang nagpahumaling ke Carole. ehehehe.
Di ba bad boy na bad boy ang look ni Jonathan, matching skin head at payat na payat. (Ilang gramo ba ang na-take natin dito, Pre??) Kala mo kulang sa Bitamina A at C. (Natatawa pa rin ako kasi ibang iba itsura nya nun payat pa sya.) Ito naman picture sa baba, malapit na syang masobrahan sa Bitamina. ehehehe
Itong di Jonathan isa sa mga on and off sa tropa, Paminsan anjan sa tropa nangungulit ngulit minsan naman nowhere to be found. Yun pala naman diskarte nya yun para mahulog si Hot Mama sa bitag nya. hahahaha. (Galing mo Jo! MATH-Tinik! Panalo! ganun pala yun?)Yung nga lang sa tagal nyang nowhere to be found nagkaroon ng chance si Mr. J.R. para agawin ng maiksing panahon ni Carole. Kaya ang Lolo Jonathan nagkumahog ng husto, kaya, balik eksena muli si MR. Bad Boy himself. ehehe. (Yun eh!)
Itong 2 itong madami rin pinagdaanan. About sa kani-kanilang buhay. But the best part is they both succeed in their own field. Ang kagandahan pa nito, hindi sila sumuko. Magkasama sila to face life hardship.
At ang nakakatuwa isinama nila kami sa kanilang success. hehehe. Gawin bang tambayan ang condo nila. Tapos ang mga pagkain. Wow! Ang sasarap. Kung dati solve na kami sa Gin at San Mig, ngayon wine at Black/Red (white,blue,green, yellow. AYy lasheng na ko.) Label ang nakahain. (waahh. nakakainis wala akong pictures..waahh.)
Kaya hindi na rin kami nagulat na sila na ang susunod na ikakasal ng bonggang-bongga. ehehehe.
Eventhough before the wedding day, sinubok pa sila ng tadhana. There's no storm to stop them for saying "I DO". They just proved that they can really conquer the world as long as they're together. And I know for a fact happy naman si Lolo dahil binigyan nila agad ng gwapong gwapo apo. Jonathan Diño Junior. Noo palang kitang-kita na Little Jojo ang aking inaanak. See? How will i end this episode in a quote that best described their love story. They only proved that Love at First Sight can start a good relationship and can last forever.
Read more ...

Wednesday, June 10, 2009

SEE WE'RE GROWING (Episode 3)

Next is, nag-iisang nakakasama ko dito sa Lugar ng mga Hipon (Singapore). hahaha. It's none other than, Ma. Cristina Felix-Pastrana. (kelangan ayusin ko toh. kasi hindi ako makakain ng paella pag hindi maganda ang sulat ko..ehehehe=) )
Si Maria Cristina Felix-Pastrana. Ang Ms. SHY sa tropa. Tingnan nyo naman ang picture nya, kasal na nya yan, shy na shy pa rin. Or should I say Pa-Shy. hahaha Pero wag nyo po yan pasayawin, nawawala at nakakalimot ng pagiging mahiyain nya. Me talent sya dun kaso bihira nyang ipakita (kung baga - for Tone's Eyes Only =) ).
Isa sya (o sya lang ang mahirap ayain??) sa mga mahirap ayain sa lakaran. Mejo mahigpit ang guardia-sibil nya nun nag aaral pa sya. Kaya nga happy-ng happy kami nun nakasama sya nun pumunta kami sa Nayon Pilipino. Yun yun una nyang gala na mas malayo sa Intramuros compound at sa San Mateo Rizal. hahaha. ang Saya-saya di ba. ehehe. Pero sadyang napakabait at masunuring bata si Tina. Ang alam nya lang nun una eh. Mapua-Boarding House-Bahay nila. ehehe (sobra ba ang description ko mare?) Bihira lang si Tina magsalita sa tropa. Pero wag ka, TAGOS HANGGAN BUTO Laglag ang Laman Laman nyo naman pag sya na ang mga Adviser nyo. Simpleng humirit na mahiyain in short. Pero, sya lang yun umiiwas sa Crush nya pag nagkakasalubong sila sa hallway o kung saan man. Si JOLLY-BEE..hahaha..Nagtatago pa yan sa exit corridor para lang hindi sya makita nun Crush nya. Kasi kung makikita nga naman sya ni Jolly Bee mukha sya Tocinong Fresh na Fresh sa pula. ehehe. Hindi nga namin halos maisip na magbabago ang lahat at nabihag ang na pala ang puso ni Tina ng isa rin sa tropa na nung una ayaw na ayaw nyang makita. Iwas pusoy lang pala yun. hahaha
Kaso sa insidenteng hindi naasahan nagbago ang lahat. Mula nang makilala at sumali ang Athlete ng tropa na si Anthony Pastrana (Tone for short). Sya lang ang nagpabago ng tahimik na buhay ni Tina. Pano naman kasi. Sila po ang Best ENEMIES in town. hahaha. Mejo pilyo kasi itong si Tone. Yun pala si Tina ang itinitibok ng kanyang Pilyong Puso. Akalain nyo yun?. Kung si Tina umiiwas ke Jolly-Bee dahil crush nya yun, pati rin ke Tone pano naman kasi asar talo ang Tina sa kanya. Sabi nila hindi pedeng magtagpo ang North and South. Kaya ganun silang 2. GULO ang aabutin pag sila nagtagpo. hahaha.
Kaya nga me balak pang sumingit sa kanilang pag-iibigan. Dahil sa Choc-Nut Man. hahaha. (hindi rin sya kasama sa Tropa kasi bestfriend nya si Fishball Guy). At, nagpapasalamat ako ke Lord, hindi sya pumasa sa Standards ni Tina at hindi nagpadala sa Choc-Nut si Tina. hahaha(ewan ko din, pano nakapasa si Tone sa Standard ni Tina. hahaha)
Back to Tina and Tone love story. Nakuh poh si Tone saksakan ng kulit. Sino ba ang makakalimot sa pagiging mahilig ni Tone mag nenuk ng anik anik? ehehehe. Wag nyo syang hahahanapan nang toothpick. Kasi yung isang lalagyan ng toothpick ni manang (hindi ko na alam sinong manang ehehe) ay nasa bag nya.hahaha.
Buti na lang po sa nagkaroon ng tampuhan Carole-Tina-Jonathan nagsimula ang love story na nababasa lang sa pocketbook. Si North at South nagtagpo bigla. At hindi na mapaghiwalay. Hahaha. Nag wagi rin si Tone sa Laban nya na Bihagin ang Puso ni Tina.
Aakalain ba namin lahat ang BEST ENEMIES in Town ay magiging BEST FRIEND din. Thank God to Jonathan. Inagaw nya ang attention ni Carole ke Tina. What a coincident nga naman oh. (abangan ang Episode 4) Selos magkaibigan nauwi sa 2 pares na nagmamahalan.
At mas nakakagulat pa sa simbahan din ang tuloy ng drama ni Tone at Tina. Hindi ko nga alam pano nakaligtas ng buhay si Tone sa mga Guardia-Sibil ni Tina. Pano nga ba??
(Sana mag lagay ng comment =) ) Pero the fruit of hard labor is the best fruit ever. Tingnan nyo naman mga tropapips. Akalain nyong maganda pala ang lahi ni Tone. Ihalo lang sa lahi nila Tina.ehehehe.
O diba maganda ang resulta. Mas matalino pa sya sa kanyang ninang. Bibong-bibo itong si Constantine (TINTIN). Pati pamankin ko kaya nyang paiyakin ng wala naman syang ginagawa. ehehe. Akalain ko bang 3 years old na sya. ehehe. 2 palang pala. (o di ba walang kwentang ninang. ahahaha). Kaya nga masusundan na si Tintin at for sure sing-bibo ni kuya si Colene. (waahh. wawa pala si baby jesse ko, me bantay agad si Colene. si Kuya Tintin. ehehehe).
These two proved that The North and South Pole of a Magnet Attracts. (Ano ba yun? haluan ko ba ng Physics. hahaha). It only means Opposite Attracts and can't be separated. A magnet may sometimes lose its polarity but definitely it will attacts again and again. (buti na lang take 2 ako sa Physics 3. kaya Master ko yan.hahaha) Paano ko ba wawakasan ang episode na ito. Bawal magpaiyak eh, dami pa ko gustong sabihin eh. Basta kami ng buong pamilya ko dito taas ang kamay (sama pa ang paa) sa kanilang mag-asawa. Bow. (ako kaya kelan magiging Best Friend ang Best Enemies ko? hahaha take note Enemies ang dami nila di ba? magkampihan pa ang tandem na si Mr. Choc-Nut at Mr. Fishball. hahaha. Nakakainis bakit may side comment pa ko. Kung gusto nyo po silang isali no problem with me. Sorry na lang nauna akong magsulat kaya. Mag-comment na lang sila. ehehehe) . Read more ...

Friday, June 5, 2009

SEE WE'RE GROWING (Episode 2)

It's about an hour before knock-off time. As if meron nga akong work di ba?? ehehe. Anyway, it's time to test myself, to test my memory skill. (kaso Mapurol na ata talaga. mali-mali ang counting =) ).
Tutal naman nagstart na ako sa mga unang ikinasal sa tropa, and according to latest survey (ehehehe. pano hindi ko na din alam kung sino nga ba ang sumunod sa yapak ni cantor at mhackie). Eto ang lumabas sa akin pag uusisa.
Next, si Sharon Magallanes - Gonzales. Ang Ms. Sexy sa tropa. Kitang kita naman bakit Ms. Sexy si Shawee di ba Gals and Guys? Hindi naman po halata na kakapanganak nya po lang to her 2nd baby Ginji. for D.I pa Shawi is a graceful dancer. Pati ang mga paa kong parehong kanan naging parehong kaliwa. hahaha. Until now, hindi ako makapaniwalang sumali ako sa dance contest dahil ke Shawi. As for me, si Shawi talaga sa lahat ng bagay eh strong. Malakas ang convincing power, ang faith, ang will to pursue her dreams, and sa lovelife. San ka pa? Sya ang nagpakasal sa tropa with her 8-9 years bf na si Imbet (sensya na mare, me memory gap ako hope tama ang counting ko? =) ). Everybody knows naman ang lovelife nitong 2. ehehehe. Pero let me remind you guys. waah ang hirap 2 kagad ang kelangan ko idescribe. Sila ang unang magkatropa na nauwi sa simbahan. ehehehe
Nag simula po yan sa tuksuhang Pops and Martin. ehehe. Pano naman si Shawi eh kamukha ni Pops kaya si Imbet a si Martin. hahaha. Si Gilbert Gonzales. Ang KOMEKERO sa Tropa. Si Imbet po kaklase ko na sya since highschool. Mahilig magpatawa.
Kung minsan nga hindi mo na alam kung seryoso ba sya. Heart-throb sya nun highschool. At pag nagmahal po sya, isang malupit na secreto. Kakampi ang buong boys para itago ang kanyang nag-iisang mahal kung hindi naman sya mahal nun magbigay ba ng picture with frame (hahaha. tama ba??) Kaso hindi umubra ang kagwapuhan nya nun college days. hehehe. Si Shawi lang ang alam ko nahulog sa sense of humor nya. hahaha. Nuon una si Shawi, kahit tinutukso na namin lahat .mega-ibalik ba sa akin ang tukso dahil close kami ni imbet that time. Sadyang close lang naman talaga kami. Ayun sabi ko pustahan gusto sya ni imbet. Ayun na. sa dalas ng pasama-sama ni imbet sa amin sa pag gala. Dahil sa Sense of humor ni Imbet at sa pagiging mababaw ni Shawi. Nadevelop ang perfect-picture of hubby and wife I can still remember. Bday ko nun, sila lang 2 ang pumunta sa bahay namin (dahil wala naman akong handa.hahaha) yun na pala ang anniv nila. Ang ganda di ba?. Kahit nun mga panahon na yun bawal ang mag-bf sa La-Familia Magallanes. Isa yun sa mga struggles nila from the start. It took years for Imbet to be accepted in the family. Pero po, wag ka, sa tagal ng panahon na yun, Ngayon naman mas pabor pa si Imbet sa family ni Shawi. ehehe. (Tama ba ako mare? =) ) See! how strong they've proved that pure love can truly wait. At ngayon dalawa na rin ang kiddos nila. They havent changed at all. Sing-kulit pa din si Imbet. At si Shawi hanggan ngayon hindi ko alam kung bakit napapagtyagaan nya ang kakulitan ni Imbet (ehehehe. peace Imbet). I really admired them for being strong at si matibag-tibag na relasyon. At sila ata ang unang nagkaroon ng business sa tropa. Napaka-business minded ng lolo at lola nyo. Nagsimula sa Party Package and organizer. Ngayon me Tutorial Services. Oh di ba ang taray??
Napakahirap pala idescribe ang bawat isa sa tropa. ehehehe. ewan ko ba? parang mapapasubo ata ako dito sa ginagawa ko.hahaha. Now I know, mahirap ang maraming alam. Kulang ang isang araw to describe each of them. Pero syempre pangatawanan ko na. ehehe. Andito na toh. =)
Next is Myla Grace Sotto - Besta. Si Myles ang Softspoken at si Ms. Poise sa Tropa. Si Myles natural na mahinhin magsalita. Same like her mom. Ganun ata talaga ang mga laki sa Lugar ni Maria Makiling. But when it comes to love, naku mga mare at pare. Todo bigay po si Myles. Pag sinabi nyang mahal nya, walang nakakapagpigil sa kanya. Harangan ba ng sibat. Nawawala ang pagiging Maria Makiling nya pag inlove. Hindi ko alam kung natatandadaan nya yun incident sa library. Si Mr. E. M. puros paramdam kasi ang mokong na yun. Kaya si Myles na ang nag first move. ehehehe. Ang lolo tuloy nagulat. hahaha. Pero forever friends na sila. Madaling paibigan si Myles, soft as Joy Tissue ang puso nya. Basta ba napapasaya sya ng mga tao hindi lang ng guys. Kahit naman siguro ako mahuhulog ke Myles, sentimental person just like Mhackie.
Sobrang mapagmahal sa kaibigan. Nakalimutan ko na name nun isa pang bestfriend ni Myles eh. Basta yun minahal nya rin yun. But they chose friendship rather than love. There's a thin line between friends and lovers. Mahirap isacrifice ang love for your friend. Si Myles jan panalo yan! No doubt about her. Di bale nang masaktan ang puso nya wag lang mawala ang pagkakaibigan. The best thing with her pa, she's not afraid to love again. Kahit masaktan for the same reason. Magmamahal at magmamahal uli yan. Kaya nang matagpuan si Sherwin hindi na nya na pinaglapas pa ang pagkakataon iyon. To be in Love forever.
Now, she's happily married. Lucky sya ke Sherwin kasi love na love nya si mama Myles and vise versa. And sobrang nakakatuwa na hindi na muling luluha si Myles. Syempre she found the love of her life. (Pareng She sana nga hindi paluhain si Myles =) )
At ngayon, 1 year and 7 months na ang aking Chinkee Eyes na Inaanak na sa Liesl ang bunga ng kanilang TRUE and EVERLASTING LOVE.
(Myles is truly a great inspiration to me. But unlike her I can’t say to my friend na mahal ko sya directly, pano hindi ko nakuha ke Myles ang power na yun. Hahaha. Kaya hanggan ngayon friends lang kami. And until now, hoping to say it. Kahit wala na chance.hahaha. Isama ko ba ang nararamdaman ko sa pagdedescribe.tsk tsk tsk. =) )
Read more ...

SEE WE'RE GROWING (Pilot Episode)

Eto na ang tropa ngayon. Taken last January 2, 2009 nun umuwi ang buong family ni Myles from Hongkong.
Tingnan mo nga naman ang panahon di ba? parang noong 1995 sa Mapua Library nagkita-kita at nagkasama-sama kaming lahat. And to think pasukan naman sa Pinas. Exactly 14 years ago, sa isang lamesa sa Library eh nabuo ang samahan. Dumami ng dumami hanggan maging 21. Actually kung iisipin talaga higit pa sa 21 eh. yun iba kasi on and off sa tropa. They meet other circle of friends pero pag nagkita-kita pa rin hindi nawawala yun pinagsamahan.
Fourteen years have past, patuloy kaming dumadami since we met partners to commit ourselves for a lifetime. Sayang nga wala akong picture nun college days. Nag nenuk nga lang ako sa pictures nila sa friendster account ng bawat isa. Mas masaya ata pagtawanan at balik balikan ang mga faces namin noon. Mga Itsurang nagsusunog ng kilay makatapos lang ng pag aaral. Itsurang bangag sa kakapuyat sa pag gawa ng mga report using our hands writing reports in engineering lettering (hahaha). Sino-sino kaya ang kaya pang sumulat ng mahigit 100pages na report in engineering lettering???
Now it's time to test my memory. Aking isa-isahin i-describe ang Tropa.
First, Caroline Cantor-Reyes (until now sanay pa din akong na tawaging syang Cantor kahit iba na ang surname nya =) ) Ang SIGA sa Tropa. BTW, Black Belter ang Lola nyo sa Taekwondo. Awayin na ang lahat wag lang sya. Yun nga lang pag in love yan. Naku poh. Yun matigas yang puso ay super natutunaw sa maligamgam na kape (hahaha). Hindi ko malilimutan (pero nakalimutan ko na ang name ni Guy). Ang alam ko lang eh, lumabas yan sa klase at umiyak sa CR ng biglang bigla. Sabi ko nga hindi ko malilimutan, kaya gals and guys help me to remember bakit nga ba umiyak si Cantor?? ehehehe. Pero ang malupit na linya yan nun makainom ng San Miguel Light sa Dampa. Bakit ganun sila, lagi nalang ako niloloko ng mga lalaki, maganda naman ako??. Hindi pa sya lasing nun, nakainom lang po sya. Kidding aside, sya ang haligi sa tropa. Tunay na maasahan sa lahat ng bagay. Tunay na babae kahit siga-siga sa South Wing yan eh, pag nagbihis ng formal dress yan. Laglag ang mga panga ng mga lalaking nadaanan nya..ehehe
But now, 2 na ang chikitin nya. sya ang unang kinasal sa tropa. She's a tough mother, sa bigat ng krus na pinagdadaanan nya for her youngest son. Hindi mo makikitang nahihirapan sya. Me bearing pa rin. Kayang-kaya nyan dalhin. See nakasmile pa sya. Yun inaanak ko nga si Keith eh, mejo mana sa kanya bata pa lang eh, snab na..ehehehe. But I'm sure eh she will always be like her mother strong with a big heart.
Next, Mhackie Boy. Paulo Mikael Agnes. Chick-Boy ng Tropa. Who can resist his charm naman kasi. Sobrang mapagmahal sa mga kaibigan. Sino-sino nga ba sa aming samahan ang nahulog sa bitag nya??..ssshhh...sshhh...shh.. I know for a fact, na kilala nila kung sino sila. Bawal pang ibuko dito. ehehehe. Baka hindi ako makauwi ng Pinas. (My threat sa buhay ko! =) ) Chickboy talaga sya yun lang. I can still remember, na sobrang badtrip ako jan. Pano syempre magkakaibigan kami. Tapos ba naman, everything is set that we're going to watch a SIDE A - concert sa school. yun mejo madami kami kasi ang hirap makumpleto ang tropa namin. Ayun pinaiyak nya yun isa sa tropa hindi natuloy sumama. Sa sobrang inis ko eh, sinabon ko sya nun nag stay kami kela Carole Nolasco. hahaha. Syempre as a friend tapos Girl ako, aba sobrang sakit na makitang umiiyak yun friend mo. Tapos me kasunod pa yun at me sunod pa. Hahaha. ANG GWAPO NI MHACKIE!!! Sino ang aangal??
Siguro kasi iba talaga ang charm ng mga Poetic na tao (samahan pa ng KAKULITAN). Mhackie is a talented boy. Magaling sumulat ng mga tula at kagandahan ang boses sa Videoke-han. Ang mga sulat nya eh panalo! pang Maalala-ala mo kaya. Hehehe. He's a guy with a tender heart and a sentimental person. He seems funny pero serious talaga sya lalo na when he's in love. Meron mga desisyon na mahirap i-decide but he did it with grace. He chose friendship than love. Bihira ata yun sa guy. Tingnan nyo naman. Ever Bestfriend ng Bayan. ehehe. You can tell everything to him talaga. Kung minsan nga lang intrigero ang lolo nyo. hehehe. I admired his love for friendship. Kasi yun isang bagay na hindi pa na nangyayari sa buhay ko, yun maging kaibigan ko yun ex ko. hahaha. sinong ex ang tinukoy ko?? hmmm...ehehehe. I may sound defensive, yun ibang ex ko naman (dami nila, wow) hahaha friend ko naman. pwera lang isa. hahaha.
But now si Mhackie kahit nasa Disyerto at umuwi ng Pinas ng hindi nagpaparamdam (hahaha). Lumaki na ang mga dalaga nya hanggan ngayon hindi ko pa nakikita ang inaanak ko. (ehehehe)
Isama ba nya si Len at ang 2 nyan kiddos na itago sa liblib na pook ng Gumaca, Quezon. But still, Mhackie haven't change at all. Huwarang Ama at Asawa. Itanan ba nya si Len. Pero looked, they proved that true friendship can lead to an everlasting love.
ooppss..back to work...next episode uli...
till then..
hope you can post also. share some thoughts..thanks..
Read more ...