Welcome to the world! GINJI MAGALLANES GONZALES...!! To all COF members, join na kayo! please don't hesitate to participate sa chatbox...intayin namin kayo!! MISS YOU ALL!!

Friday, June 5, 2009

SEE WE'RE GROWING (Episode 2)

It's about an hour before knock-off time. As if meron nga akong work di ba?? ehehe. Anyway, it's time to test myself, to test my memory skill. (kaso Mapurol na ata talaga. mali-mali ang counting =) ).
Tutal naman nagstart na ako sa mga unang ikinasal sa tropa, and according to latest survey (ehehehe. pano hindi ko na din alam kung sino nga ba ang sumunod sa yapak ni cantor at mhackie). Eto ang lumabas sa akin pag uusisa.
Next, si Sharon Magallanes - Gonzales. Ang Ms. Sexy sa tropa. Kitang kita naman bakit Ms. Sexy si Shawee di ba Gals and Guys? Hindi naman po halata na kakapanganak nya po lang to her 2nd baby Ginji. for D.I pa Shawi is a graceful dancer. Pati ang mga paa kong parehong kanan naging parehong kaliwa. hahaha. Until now, hindi ako makapaniwalang sumali ako sa dance contest dahil ke Shawi. As for me, si Shawi talaga sa lahat ng bagay eh strong. Malakas ang convincing power, ang faith, ang will to pursue her dreams, and sa lovelife. San ka pa? Sya ang nagpakasal sa tropa with her 8-9 years bf na si Imbet (sensya na mare, me memory gap ako hope tama ang counting ko? =) ). Everybody knows naman ang lovelife nitong 2. ehehehe. Pero let me remind you guys. waah ang hirap 2 kagad ang kelangan ko idescribe. Sila ang unang magkatropa na nauwi sa simbahan. ehehehe
Nag simula po yan sa tuksuhang Pops and Martin. ehehe. Pano naman si Shawi eh kamukha ni Pops kaya si Imbet a si Martin. hahaha. Si Gilbert Gonzales. Ang KOMEKERO sa Tropa. Si Imbet po kaklase ko na sya since highschool. Mahilig magpatawa.
Kung minsan nga hindi mo na alam kung seryoso ba sya. Heart-throb sya nun highschool. At pag nagmahal po sya, isang malupit na secreto. Kakampi ang buong boys para itago ang kanyang nag-iisang mahal kung hindi naman sya mahal nun magbigay ba ng picture with frame (hahaha. tama ba??) Kaso hindi umubra ang kagwapuhan nya nun college days. hehehe. Si Shawi lang ang alam ko nahulog sa sense of humor nya. hahaha. Nuon una si Shawi, kahit tinutukso na namin lahat .mega-ibalik ba sa akin ang tukso dahil close kami ni imbet that time. Sadyang close lang naman talaga kami. Ayun sabi ko pustahan gusto sya ni imbet. Ayun na. sa dalas ng pasama-sama ni imbet sa amin sa pag gala. Dahil sa Sense of humor ni Imbet at sa pagiging mababaw ni Shawi. Nadevelop ang perfect-picture of hubby and wife I can still remember. Bday ko nun, sila lang 2 ang pumunta sa bahay namin (dahil wala naman akong handa.hahaha) yun na pala ang anniv nila. Ang ganda di ba?. Kahit nun mga panahon na yun bawal ang mag-bf sa La-Familia Magallanes. Isa yun sa mga struggles nila from the start. It took years for Imbet to be accepted in the family. Pero po, wag ka, sa tagal ng panahon na yun, Ngayon naman mas pabor pa si Imbet sa family ni Shawi. ehehe. (Tama ba ako mare? =) ) See! how strong they've proved that pure love can truly wait. At ngayon dalawa na rin ang kiddos nila. They havent changed at all. Sing-kulit pa din si Imbet. At si Shawi hanggan ngayon hindi ko alam kung bakit napapagtyagaan nya ang kakulitan ni Imbet (ehehehe. peace Imbet). I really admired them for being strong at si matibag-tibag na relasyon. At sila ata ang unang nagkaroon ng business sa tropa. Napaka-business minded ng lolo at lola nyo. Nagsimula sa Party Package and organizer. Ngayon me Tutorial Services. Oh di ba ang taray??
Napakahirap pala idescribe ang bawat isa sa tropa. ehehehe. ewan ko ba? parang mapapasubo ata ako dito sa ginagawa ko.hahaha. Now I know, mahirap ang maraming alam. Kulang ang isang araw to describe each of them. Pero syempre pangatawanan ko na. ehehe. Andito na toh. =)
Next is Myla Grace Sotto - Besta. Si Myles ang Softspoken at si Ms. Poise sa Tropa. Si Myles natural na mahinhin magsalita. Same like her mom. Ganun ata talaga ang mga laki sa Lugar ni Maria Makiling. But when it comes to love, naku mga mare at pare. Todo bigay po si Myles. Pag sinabi nyang mahal nya, walang nakakapagpigil sa kanya. Harangan ba ng sibat. Nawawala ang pagiging Maria Makiling nya pag inlove. Hindi ko alam kung natatandadaan nya yun incident sa library. Si Mr. E. M. puros paramdam kasi ang mokong na yun. Kaya si Myles na ang nag first move. ehehehe. Ang lolo tuloy nagulat. hahaha. Pero forever friends na sila. Madaling paibigan si Myles, soft as Joy Tissue ang puso nya. Basta ba napapasaya sya ng mga tao hindi lang ng guys. Kahit naman siguro ako mahuhulog ke Myles, sentimental person just like Mhackie.
Sobrang mapagmahal sa kaibigan. Nakalimutan ko na name nun isa pang bestfriend ni Myles eh. Basta yun minahal nya rin yun. But they chose friendship rather than love. There's a thin line between friends and lovers. Mahirap isacrifice ang love for your friend. Si Myles jan panalo yan! No doubt about her. Di bale nang masaktan ang puso nya wag lang mawala ang pagkakaibigan. The best thing with her pa, she's not afraid to love again. Kahit masaktan for the same reason. Magmamahal at magmamahal uli yan. Kaya nang matagpuan si Sherwin hindi na nya na pinaglapas pa ang pagkakataon iyon. To be in Love forever.
Now, she's happily married. Lucky sya ke Sherwin kasi love na love nya si mama Myles and vise versa. And sobrang nakakatuwa na hindi na muling luluha si Myles. Syempre she found the love of her life. (Pareng She sana nga hindi paluhain si Myles =) )
At ngayon, 1 year and 7 months na ang aking Chinkee Eyes na Inaanak na sa Liesl ang bunga ng kanilang TRUE and EVERLASTING LOVE.
(Myles is truly a great inspiration to me. But unlike her I can’t say to my friend na mahal ko sya directly, pano hindi ko nakuha ke Myles ang power na yun. Hahaha. Kaya hanggan ngayon friends lang kami. And until now, hoping to say it. Kahit wala na chance.hahaha. Isama ko ba ang nararamdaman ko sa pagdedescribe.tsk tsk tsk. =) )

1 comment:

  1. Ayan.. magcocomment na ko.. hehehhe... Wag ka mag alala mareng bez.. describe ko rin ang ating mga friendship sa abot ng aking maalala pa (e 2 CS na ba naman ako eh) tsk tsk tsk.. so heniweys... si Myles ang isa sa mga naging closest friend ko sa COF Kada.. Napakabait at napakacool na tao. She's not afraid to speak her mind lalo na kung sa ikabubuti ng isang kaibigan. Naging magkaklase kme nyan sa Irrigation (If I'm not mistaken.. hehe) Kaso magaling sha kya exempted sha dun.. ako hindi.. hehehe.. pero lam nyo.. di ako iniwan nyan.. tinulungan nya ako pra maipasa ung subject.
    Talk about being a TRUE FRIEND Talaga.. Awa ng Diyos nakapasa naman ako.. hehehe..

    Sa amin naman ni Imbet... hmmm... No comment ako.. nacapture mo na ata lahat eh.. bka mabore na mga babasa pag dugtungan ko pa... I'm Just so lucky to have Imbet and to be gifted with our Charming princess GISHA and our Little Prince GINJI...hehehe.. Thank you Mareng Bez....

    ReplyDelete