Welcome to the world! GINJI MAGALLANES GONZALES...!! To all COF members, join na kayo! please don't hesitate to participate sa chatbox...intayin namin kayo!! MISS YOU ALL!!

Wednesday, June 10, 2009

SEE WE'RE GROWING (Episode 3)

Next is, nag-iisang nakakasama ko dito sa Lugar ng mga Hipon (Singapore). hahaha. It's none other than, Ma. Cristina Felix-Pastrana. (kelangan ayusin ko toh. kasi hindi ako makakain ng paella pag hindi maganda ang sulat ko..ehehehe=) )
Si Maria Cristina Felix-Pastrana. Ang Ms. SHY sa tropa. Tingnan nyo naman ang picture nya, kasal na nya yan, shy na shy pa rin. Or should I say Pa-Shy. hahaha Pero wag nyo po yan pasayawin, nawawala at nakakalimot ng pagiging mahiyain nya. Me talent sya dun kaso bihira nyang ipakita (kung baga - for Tone's Eyes Only =) ).
Isa sya (o sya lang ang mahirap ayain??) sa mga mahirap ayain sa lakaran. Mejo mahigpit ang guardia-sibil nya nun nag aaral pa sya. Kaya nga happy-ng happy kami nun nakasama sya nun pumunta kami sa Nayon Pilipino. Yun yun una nyang gala na mas malayo sa Intramuros compound at sa San Mateo Rizal. hahaha. ang Saya-saya di ba. ehehe. Pero sadyang napakabait at masunuring bata si Tina. Ang alam nya lang nun una eh. Mapua-Boarding House-Bahay nila. ehehe (sobra ba ang description ko mare?) Bihira lang si Tina magsalita sa tropa. Pero wag ka, TAGOS HANGGAN BUTO Laglag ang Laman Laman nyo naman pag sya na ang mga Adviser nyo. Simpleng humirit na mahiyain in short. Pero, sya lang yun umiiwas sa Crush nya pag nagkakasalubong sila sa hallway o kung saan man. Si JOLLY-BEE..hahaha..Nagtatago pa yan sa exit corridor para lang hindi sya makita nun Crush nya. Kasi kung makikita nga naman sya ni Jolly Bee mukha sya Tocinong Fresh na Fresh sa pula. ehehe. Hindi nga namin halos maisip na magbabago ang lahat at nabihag ang na pala ang puso ni Tina ng isa rin sa tropa na nung una ayaw na ayaw nyang makita. Iwas pusoy lang pala yun. hahaha
Kaso sa insidenteng hindi naasahan nagbago ang lahat. Mula nang makilala at sumali ang Athlete ng tropa na si Anthony Pastrana (Tone for short). Sya lang ang nagpabago ng tahimik na buhay ni Tina. Pano naman kasi. Sila po ang Best ENEMIES in town. hahaha. Mejo pilyo kasi itong si Tone. Yun pala si Tina ang itinitibok ng kanyang Pilyong Puso. Akalain nyo yun?. Kung si Tina umiiwas ke Jolly-Bee dahil crush nya yun, pati rin ke Tone pano naman kasi asar talo ang Tina sa kanya. Sabi nila hindi pedeng magtagpo ang North and South. Kaya ganun silang 2. GULO ang aabutin pag sila nagtagpo. hahaha.
Kaya nga me balak pang sumingit sa kanilang pag-iibigan. Dahil sa Choc-Nut Man. hahaha. (hindi rin sya kasama sa Tropa kasi bestfriend nya si Fishball Guy). At, nagpapasalamat ako ke Lord, hindi sya pumasa sa Standards ni Tina at hindi nagpadala sa Choc-Nut si Tina. hahaha(ewan ko din, pano nakapasa si Tone sa Standard ni Tina. hahaha)
Back to Tina and Tone love story. Nakuh poh si Tone saksakan ng kulit. Sino ba ang makakalimot sa pagiging mahilig ni Tone mag nenuk ng anik anik? ehehehe. Wag nyo syang hahahanapan nang toothpick. Kasi yung isang lalagyan ng toothpick ni manang (hindi ko na alam sinong manang ehehe) ay nasa bag nya.hahaha.
Buti na lang po sa nagkaroon ng tampuhan Carole-Tina-Jonathan nagsimula ang love story na nababasa lang sa pocketbook. Si North at South nagtagpo bigla. At hindi na mapaghiwalay. Hahaha. Nag wagi rin si Tone sa Laban nya na Bihagin ang Puso ni Tina.
Aakalain ba namin lahat ang BEST ENEMIES in Town ay magiging BEST FRIEND din. Thank God to Jonathan. Inagaw nya ang attention ni Carole ke Tina. What a coincident nga naman oh. (abangan ang Episode 4) Selos magkaibigan nauwi sa 2 pares na nagmamahalan.
At mas nakakagulat pa sa simbahan din ang tuloy ng drama ni Tone at Tina. Hindi ko nga alam pano nakaligtas ng buhay si Tone sa mga Guardia-Sibil ni Tina. Pano nga ba??
(Sana mag lagay ng comment =) ) Pero the fruit of hard labor is the best fruit ever. Tingnan nyo naman mga tropapips. Akalain nyong maganda pala ang lahi ni Tone. Ihalo lang sa lahi nila Tina.ehehehe.
O diba maganda ang resulta. Mas matalino pa sya sa kanyang ninang. Bibong-bibo itong si Constantine (TINTIN). Pati pamankin ko kaya nyang paiyakin ng wala naman syang ginagawa. ehehe. Akalain ko bang 3 years old na sya. ehehe. 2 palang pala. (o di ba walang kwentang ninang. ahahaha). Kaya nga masusundan na si Tintin at for sure sing-bibo ni kuya si Colene. (waahh. wawa pala si baby jesse ko, me bantay agad si Colene. si Kuya Tintin. ehehehe).
These two proved that The North and South Pole of a Magnet Attracts. (Ano ba yun? haluan ko ba ng Physics. hahaha). It only means Opposite Attracts and can't be separated. A magnet may sometimes lose its polarity but definitely it will attacts again and again. (buti na lang take 2 ako sa Physics 3. kaya Master ko yan.hahaha) Paano ko ba wawakasan ang episode na ito. Bawal magpaiyak eh, dami pa ko gustong sabihin eh. Basta kami ng buong pamilya ko dito taas ang kamay (sama pa ang paa) sa kanilang mag-asawa. Bow. (ako kaya kelan magiging Best Friend ang Best Enemies ko? hahaha take note Enemies ang dami nila di ba? magkampihan pa ang tandem na si Mr. Choc-Nut at Mr. Fishball. hahaha. Nakakainis bakit may side comment pa ko. Kung gusto nyo po silang isali no problem with me. Sorry na lang nauna akong magsulat kaya. Mag-comment na lang sila. ehehehe) .

1 comment:

  1. Ayan Bez.. magcocomment na ako.. hehehe.. si Lord ibang klase magbiro ano?? WHo would really know na in the end si Tone at si Tina rin pala.. SI Tone??!! As IN SI TONE to ha? ung mahilig sa extra rice ng Adam's??? hehehehhe... alam ko ung story na un.. hahahaha... Sa sobrang bait nito at thoughtful na kaibigan.. inihingi nya nga extra rice ang buong tropa ata ng kumain sa Adam's..(Kalakas naman at nahingi nya ano?).. hehehe.. pero kidding aside.. Tugmang tugma ang personality ng 2 to.. Parehas napakabait na kaibigan.. Si Tina na very shy nga kumilos.. minsan may pagka boyish pa nga.. eh napaibig ni Tone na oozzing with self confidence naman.. Knock out pagdating sa Volleyball etong si Tone! Si Tina naman eh parang di ko ata nksama manuod ng volleyball nuon eh.. pero ika nga sa kanta.. Love moves in mysterious ways.. we don't really know who we'll end up with.. kse nga.. Love has its ways na only the HEART can truly understand.. at shempre pa.. tingnan mo nga naman ang bunga ng inyong pag iibigan.. Kagwapong bata!!! Ba't ganyan? Ang ku-cute nga mga babies natin?! hahahaha.. Panigurado paglabas ni colene.. isa pang napakagandang bata nyan.. Basta Tina and Tone.. stay happy and in love ok? God Bless your family...

    ReplyDelete